Home/Paper Details

Archive

2026

2025

2024

2023

2022

2021

2020

2019

2018

2017

Buhay Na Tulay: Scaffolding Sa Pagkatuto Ng Filipino Ng Mga Mag-Aaral Sa Special Needs Education

Open Access

Journal Type:Research Article

Subject:Education

Subject Field:Education Journal

Volume:198, Issue: 1, June, 2026

Publish Date:June 9, 2026 10:32 am

Pages:1063-1077

Download:7

Views:10

Abstract

Mahina na pag-unlad sa pagkatuto ng Wikang Filipino sa mga mag-aaral ng Special Needs Education (SNED). Sinuri ko ang pag-unlad sa pagkatuto ng Wikang Filipino sa loob ng Zone of Proximal Development (ZPD) ng mga mag-aaral na SNED na nahuhubog sa pamamagitan ng panlipunang interaksiyon sa mga guro bilang More Knowledgeable Others (MKO), at ng mga kagamitang kultural. Gumamit ako ng deskriptibong kwalitatibong disenyo ng pananaliksik. Nakapanayam ko ang limang guro na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Sa pamamagitan ng tematikong pagsusuri, natuklasan ko na nakakamit ng mga mag-aaral na SNED ang malayang pagganap, pinahusay na bokabularyo, at kumpiyansa sa komunikasyon kapag ang guro bilang MKO ay pinangasiwaan ang panlipunang interaksiyon sa pamamagitan ng scaffolding at estratehikong paggamit ng mga kagamitang kultural tulad ng code-switching, visual aids, at mga digital na materyales. Maaaring ipatupad ng mga guro sa espesyal na edukasyon ang multimodal scaffolding gamit ang mga kagamitang kultural upang matugunan ang mga puwang sa pagkatuto. Maaari ring magsagawa ng quasi-experimental na disenyo upang matukoy ang epekto ng scaffolded code-switching at mga digital na kagamitan kumpara sa tradisyonal na pagtuturo.

© 2026 International Journal of Research Publications (IJRP). All rights reserved.