Home/Paper Details

Archive

2026

2025

2024

2023

2022

2021

2020

2019

2018

2017

Saloobin Ng Mga Mag-Aaral Sa Artipisyal Na Katalinuhan Ukol Sa Paggamit Ng Mga Terminolohiyang Filipino

Open Access

Journal Type:Research Article

Subject:Education

Subject Field:Education Journal

Volume:198, Issue: 1, June, 2026

Publish Date:June 14, 2026 6:34 am

Pages:1729-1763

Download:8

Views:14

Abstract

Sinuri sa pag-aaral na ito ang ugnayan sa pagitan ng saloobin sa paggamit ng artipisyal na katalinuhan (AK) at paggamit ng mga terminolohiyang Filipino ng mga mag-aaral. Ginamit ang deskriptib-korelasyonal na disenyo upang matukoy ang antas ng bawat baryabol, ang kanilang ugnayan, at ang impluwensiya ng mga domeyn ng saloobin sa AK sa paggamit ng terminolohiyang Filipino. Ang mga kalahok ng pag-aaral ay binubuo ng 390 mag-aaral, at ang datos ay nakalap sa pamamagitan ng sariling-gawang talatanungan ng mananaliksik. Ang mga nakuhang datos ay sinuri gamit ang mean, standard deviation, Pearson product-moment correlation, at multiple linear regression analysis. Ipinakita ng resulta na ang parehong saloobin sa paggamit ng AK at paggamit ng mga terminolohiyang Filipino ay nasa lalong mataas na antas. Gayunpaman, lumabas sa pagsusuring korelasyonal na may makabuluhan ugnayan sa pagitan ng dalawang baryabol. Sa pagsusuring regresyon, natukoy na ang tiwala sa AK at pagpapahalaga sa AK sa pagkatuto ay may makabuluhang impluwensiya sa paggamit ng mga terminolohiyang Filipino, samantalang ang iba pang domeyn ay hindi nagpakita ng makabuluhang epekto. Dahil dito, inirerekomenda ang mas malalim na integrasyon ng AK sa pagkatuto na nakatuon sa pagpapalakas ng kritikal na pag-iisip at wastong paggamit ng wikang Filipino.

© 2026 International Journal of Research Publications (IJRP). All rights reserved.