Tinig sa Makabagong Panahon: Isang Pagsisiyasat sa Saloobin at Kapakinabangan ng Artificial Intelligence bilang Katuwang sa Pagkatuto ng Filipino
Journal Type:Research Article
Subject:Education
Subject Field:Education Journal
Volume:199, Issue: 1, June, 2026
Publish Date:June 18, 2026 12:43 pm
Pages:65-79
Download:14
Views:21
Abstract
Nakababahala ang pagdepende sa Artificial Intelligence (AI). Siniyasat ko ang mga tiyak na anyo ng scaffolding na ibinibigay ng AI at sinuri ang proseso ng transpormasyon tungo sa malayang pag-iisip. Ginamit ang kwalitatibong deskriptibong disenyo at thematic analysis sa sampung mag-aaral sa Lungsod ng Davao sa pamamagitan ng purposive sampling. Natuklasan na nagsilbi ang AI bilang estrukturang lingguwistiko sa pag-unawa ng komplikadong teksto at pagpapalawak ng bokabularyo sa pamamagitan ng pagsusuri mula sa iba’t ibang panig at muling pagsasabi ng ideya sa sariling salita. Pinatunayan ng mga natuklasan ang internalisasyon ng kaalaman tungo sa intelektwal na awtonomiya na nagpapalawak sa Teoryang Social Constructivism sa pagkilala sa AI bilang isang digital na More Knowledgeable Other (MKO). May pangangailangan para sa mga polisiyang pang-AI Literacy upang matiyak ang etikal at responsableng paggamit ng teknolohiya. Inirerekomenda rin sa mga susunod na pag-aaral ang pagsubaybay sa pangmatagalang antas ng Kognitibong pagpapanatili ng kaalaman kapag ang mga mag-aaral ay unti-unting humihiwalay sa tulong ng AI.