Home/Paper Details

Archive

2026

2025

2024

2023

2022

2021

2020

2019

2018

2017

Pagtuturo sa Panahon ng Pagbabago: Mga Estratehiya at Hamon ng WMSU PST Filipino Major sa Makabagong Edukasyon

Open Access
Journal Type:Research Article
Subject Field:Teacher Education and Curriculum Studies
Downloads:9
Publish Date:September 22, 2026 5:49 pm
Views:128
Volume:205, Issue: 1, September, 2026
Subject:Education
Pages:385-416

Abstract

Sa larangan ng edukasyon, mahalagang bahagi ang Pre-service Teaching program na nagsilbing pundasyon sa paglinang ng kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga sa pagtuturo. Layunin ng pag-aaral na ito na masuri kung may kaugnayan ba ang mga estratehiya sa mga hamon na nararanasan ng mga pre-service teachers na nagpakadalubhasa sa Filipino sa pagtuturo. Ginamit sa pag-aaaral na ito ang Descriptive-Correlational Research, Total Enumeration Sampling, at Survey Checklist Questionnaires.

Batay sa naging resulta ng pag-aaral, ang mga Pre-service Teachers na nagpakadalubhasa sa Filipino ay nagpakita ng mataas na antas ng kahandaan at kasanayan sa paggamit ng mga makabagong estratehiya sa pagtuturo. Ang madalas na paggamit ng mga estratehiyang tulad ng presentasyon, pangkatang gawain, at pagtatanong ay nagpapatunay na prayoridad ng mga PST ang aktibong pakikilahok at diskurso sa loob ng silid-aralan na nagpapatibay sa Cognitivist Theory of Learning. Inirerekomenda ng pag-aaral na higit pang palakasin at pagyamanin ang paggamit ng iba't ibang estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Iminungkahi rin ang pagpapalakas ng kasanayang pangwika, partikular sa gramatika at bokabularyo, sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay at akademikong paghahanda.

© 2026 International Journal of Research Publications (IJRP). All rights reserved.